December 17th 2006

Nawala ang Appendix Ko

Mahirap, Masakit at ‘di Makakalimutan ‘pag 1st time!
First time kong ma-operahan at ma-confine sa ospital. Last Wednesday, December 13, umaga pa lang 5:00 am, after kong maligo at bago pumasok ng trabaho… iba na ‘yung sakit na nararamdaman ng tiyan ko (right part ng tiyan ko)! Binalewala ko lang dahil baka gutom o lang o lamig lang o kaya ay utot lang na hindi makalabas.. So, pumasok pa rin ako! ‘Di ako nakapag-breakfast ng ayos dahil ang sakit pa rin!

Nagkape na ako at umutot na sa cr, pero masakit pa rin. ‘Di ko pa rin pinansin, baka sakali na mamaya ay mawawala na din ang sakit at bukod don ay madami akong nakatambak na trabaho! Maya-maya… tinawag ako ng boss ko dahil may ipapagawa daw siya! Nung natapos ko na… sinabi ko na ang sakit ng tiyan ko! Tumawag agad siya sa clinic ngunit wala daw ‘yung doctor, mga 2pm pa daw babalik! Antay antay na lang daw namin (11am pa lang non). Habang tumatagal ay pasakit na ng pasakit ang tiyan ko! Nag-lunch kami…. konti lang nakain ko dahil ang sakit na talaga. ‘Di ko na matiis, pumunta agad ako sa boss ko. Siya na rin agad ang nagsabi na magpunta ako sa ospital at ipatingin na kung ano ba talaga lagay ng tiyan ko.

Tinawagan ko agad ang ate ko. ‘Don na kami mgkikita sa ospital. Kahit masakit… pinilit kong bumiyahe at magpunta sa ospital mag-isa! Pagdating ko do’n ay tabingi na akong maglakad. Sobrang sakit na talaga! Tinest ang ihi at dugo ko. Tapos dinala ako sa E.R. para i-examine na agad. Dapat io-observe pa ako within 24 hours pero, ‘di ko n kaya….. so, inadmit agad ako at pinapirma ng kontrata… na parang artistang pipirma ng kontrata sa viva!

Maya-maya, ayan na ung isang nurse na magtuturok ng dextrose! Sabi ko….. ‘wag nya akong biglain dahil first time ko! Aray… ayun na nga! Sobrang sakit talaga. May kasunod na turok agad… mas masakit pa! Para naman daw i-test kung allergy ako sa gamot! After non, dinala agad ako sa room ko. Maya-maya… turok na naman! Para daw makatulog na ako! Hindi na ako nagkaron ng oras na magpa-alam sa asawa ko! Natatakot ako.. baka ‘di ko na sya makita o makausap! Grabe…. pagdating ko sa operating room…. tinanong ko ‘yung nurse….. “bakit ‘di pa ako nakakatulog???” (nakikita ko na kasi ‘yung mga tao don, pati gamit nila,natatakot na’ko). Sabi nung nurse…… “Wait ka lang…. may ultimatum pa”. “Langya….. after ng 3 turok, eto at may ultimatum pa daw! ‘Di ko na masyadong ramdam ‘yung sakit ng huling turok… pero ang alam ko…. mas malaki ‘yung karayom at sa back bone ko itinurok! Nagpakilala lang ‘yung doctor, tapos… voila! Tapos na…. ganito na itsura ko nung umaga!

Haaay….. grabe! Ang hirap ma-ospital! dati-rati, taga-bantay lang ako! Pero ngayon… pasyente na ako! Sayang….. ‘di tuloy ako makaka-hataw ngayong pasko! Pero salamat na rin (lalo na sa asawa, biyenan at mga kapatid ko) …… nakaraos na ako at magpapagaling na! Uuwi na ulit sa lugar namin, at matagal makakabalik sa bahay na ito! Buti na lang… andito lagi asawa ko para i-update ako!

Happy holidays na lang sa lahat!

Enjoy po kayo!

Hanggang sa muli!

October 20th 2006

Thank God, It’s Friday

Thank God, It’s Friday!
Madalas ko lang ‘yang naririnig sa MAgic 89.9 mula pa no’ng bata ako! Isang sikat na radio station dito sa pinas na tuwing Friday ay mga New Wave at sikat na songs no’ng 80’s ang pinapa-tugtog! “Friday Madness” kung tawagin nila na hanggang ngayon ay tinututukan ko pa rin kahit andito ako sa trabaho! Bukod pa d’yan ang pinaka-aabangan ng mga “lovers”… ang “LOVE NOTES” ni Joe D Mango na talaga namang boses pa lang ni Joe ay nagtitilian na ang mga kababaihan pero sa huli ay mapapaiyak na lang dala ng malulungkot na kuwento ng pag-ibig! Aruy…. Kasunod ng istorya ng letter sender ay ang mga nakaka-iyak at nakaka-relate na mga love songs na hinanda ni Joe! Kaya talaga namang mapapa-kuha ka ng kumot - pang-pahid ng luha kapag nadala ka sa istorya! Hahaha… sayang nga lang at wala ng “Love Notes” sa Magic ngayon! Minsan na rin kasi akong sumubaybay at naki-senti kasama ng mga kapatid at tropa ko no’n! Ewan ko ba kung anong nangyari at inalis na ‘ung “Love Notes” na ‘yan! Ang ganda pa naman! Hehehehe…

Kung noon ay talagang inaantay ko ang Friday dahil maririnig ko na ang Love Notes at ang mga New Wave at 80’s hits…. ngayon ay iba na! Inaantay ko ang Friday dahil tuwing Friday ako umuuwi sa amin (sa bahay) galing sa trabaho! Bukod sa makaka-pahinga na ay makaka-usap ko na ulit ng matagal ang misis ko. Hehehe… tuwing weekends na lang kasi kami nakaka-pag-usap ng matagal mula nung nag-trabaho ako. Weekends lang ulit nakakapag-lambingan at kwentuhan ng nangyari the whole week! Although, nagtatawagan kami ‘pag weekdays… pero saglit lang… kasi, ‘pag papasok ako sa work… tutulog naman sya… ‘yung uwi ko naman sa gabi ay oras ng trabaho nya! Ang hirap ‘pag weekdays! Kaya… todo antay kami pareho ng Friday!

Thank God, it’s Friday! Atat na akong makauwi at makausap ang misis ko na nag-aantay na sa akin! Kahit hindi kami magkakasama ng personal pag-uwi ko… pakiramdam ko, kasama ko lang sya sa bahay! Miss na miss ko na asawa ko! Salamat….. Friday na naman! Happy weekend sa lahat! Pa’no??? Uwi na ‘ko …… Paalam!

October 13th 2006

Roanne

Pangalan na noon pa may hinahangaan,
Babae na ngayo’y aking iniingatan.
Hindi man tayo magkasama,
Roan, ikaw lagi sa alaala!

Kailan kaya kita makakasama?
Tila nawawalan na ng pag-asa.
Ngunit maalala lamang kita,
Lungkot napapawi na.

Ga’no man katagal,
Itong pag-iintay.
Ito’y matitiis,
Makapiling ka lang habang-buhay!

Ngayong ikaw nga itong aking may-bahay,
Ito ang pangako ko habang buhay…
Mamahalin kang tunay at walang kapantay,
‘Di kita iiwan hanggang mamatay!

Ano ba ito?
Naging makata na ako.
Ganito ba talaga,
‘Pag in-love ang isang tao???

Hainaku…. nakakabato kapag ganitong wala kang magawa sa trabaho! Kung ano-ano ang naiisip ko. Kunyari may ginagawa o tina-type pero wala naman! Hehehe! Kaya eto… nakagawa tuloy ng tula para sa misis ko! Haaaay… kailan kaya kami magkakasama? Basta… tiis lang… MAGKAKASAMA RIN KAMI!!!

Next Page »